Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansang kalahok sa Asia-Pacific na magkaroon ng malinaw na aksyon sa mga isyung may konektado sa tubig.
Sa video message ng pangulo sa Asia-Pacific Water Summit sa Japan, tinukoy ng pangulo ang problemang kinakaharap ng Pilipinas sa pagkakaroon ng ligtas, abot-kaya at accessible na tubig.
Para masolusyunan, ipinunto ng Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng aksyon ng mga komunidad, magkaka-ugnay na polisiya at pagtutulungan.
Noong 2019, unang ibinabala ng punong ehekutibo ang pagtake-over sa Maynilad at Manila Water dahil sa hindi makatarungang kakulangan ng tubig sa Metro Manila.