Tiniyak naman ni L.T.F.R.B. Board Member at Spokesperson, Atty. Aileen Lizada ang mabilis na biyahe ng mga Point-to-Point o P2P buses sa EDSA sa oras na tumulong ang mga ito sa paghahatid at pagsusundo sa mga pasaherong maaapektuhan ng aberya sa MRT-3.
Ayon kay Lizada, mahigpit na ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority eksklusibong paggamit ng mga public utility vehicle sa yellow lane ng EDSA o ang dalawang outermost lane.
Pagmumultahin naman ng 500 Piso ang mga driver ng mga private vehicle na lalabag sa mga panuntunan sa ilalim ng “Alalay sa MRT-3.”
Nilinaw naman ni Lizada na libre simula ngayong araw hanggang bukas ang sakay sa apat na M.M.D.A. Bus na maghihintay sa mga MRT-3 passenger pero magkakaroon na ng bayad sa oras na lumarga ang mga P2P bus.
Posible namang palawigin hanggang Mayo ang Alalay sa MRT-3 depende sa magiging kalagayan ng mga tren subalit pansamantalang ititigil ang operasyon sa ASEAN Summit, sa susunod na linggo.