Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng MILF o Moro Islamic Liberation Front na nananatiling priority bill ng ehekutibo ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella matapos makipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng MILF.
Sinabi ni Abella na sinisiguro ng Pangulo ang pag-prayoridad sa panukalang BBL na mahalaga para sa kinabukasan ng Mindanao at sa buong bansa.
Ayon kay Abella, nais makipagpulong ng Pangulo kina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez para mapabilis ang proseso at maaprubahan na ang BBL.
Nagpasalamat din aniya ang Pangulo sa MILF sa pagtulong sa gobyerno sa paglaban sa mga terorista sa Mindanao.