Ikinagulat ng Amerika ang mabilis na paggawa ng China ng mga pasilidad sa West Philippine Sea.
Sa paglipad ng US Navy P-8a Poseidon reconnaissance plane sa artificial islands nakita nila ang limang palapag na gusali, radar installations, power plants at mga malalaking runways para sa mga military aircraft.
Ang nasabing reconnaisance plane ng Amerika ay lumipad sa ibabaw ng Subi reef, Fiery Cross reef, Johnson reef at Mischief reef.
Ayon kay Lt. Lauren Callen, pinuno ng navy flight mula sa unang monitoring nito nuong 2005 ay mabilis na nakagawa ang China ng mga malalaking gusali.
Una nang itinaboy ng Chinese authorities ang nasabing eroplano ng Amerika.