Ikinagulat ng isang political analyst ang mabilis na paghahatid ng resulta ngayong Halalan 2022 kumpara noong nakalipas na eleksyon.
Ayon kay Prof. Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Electoral reform, posibleng magresulta ng konklusyon at diskusyon ang maagang datos.
Pinayuhan naman ni Casiple ang publiko na maging mapagbantay dahil wala pang opisyal na resulta.
Batay sa partial at unofficial results, nangunguna pa rin si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may higit 31M votes kumpara sa halos 15M ni Vice President Leni Robredo.