Inihirit ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association Incorporated (PPMDAI) sa Local Government Units (LGU) na paspasan na ang pagproseso sa special permits sa gitna ng nalalapit na holiday season.
Inihayag ni PPMDAI President Lea Alapide na bagaman nagpapasalamat sila sa pahintulot na magbenta sila ng legal fireworks, marami sa kanila ang hindi pa nakapagpo-proseso ng permits sa Philippine National Police (PNP).
Ito, anya, ay dahil sa tagal ng desisyon ng ilang LGU sa pag-i-issue ng mga regulasyon sa paggawad ng special permits na magbenta.
Ipinunto ni Alapide na tatlo hanggang apat na araw lang naman ang pagtitinda ng retailers kaya’t hindi na dapat pahirapan pa sa pagkuha ng permits.
Magugunita noong January 5, inihayag ni pangulong rodrigo duterte na papayagan niya ang mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue, Bulacan na magbenta ng kanilang mga produkto sa local government units at mga pulis para sa kanilang mga negosyo.