Sinimulan na ng Philippine Embassy sa Israel ang mabilis na pagproseso ng dokumento ng mga Pilipino doon.
Ito’y kasundo ng anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na pabilisin ang pagproseso ng employment papers ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Nasa limang minuto na lamang mula sa dating maghapon na transaksyon ang pagkuha ng pre-registered overseas employment certificate sa Philippine Embassy sa Israel.
Patuloy din ang pag-iikot ng embahada sa Filipino community sa iba’t- ibang lugar sa Israel para ilapit ang kanilang serbisyo sa mga Pinoy roon.
Dahil dito, maiiwasan din ang pagsisiksikan sa Philippine Embassy sa pagdagsa ng mga may transaksyon sa embahada.