Kinalampag ni Senador Win Gatchalian ang LTFRB upang tiyaking mapabibilis na ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga target na benepisyaryo sa public transport sector.
Ito panawagan ni Gatchalian sa gitna ng kanyang isinusulong na ikatlong yugto ng ayuda sa sektor ng pampublikong transportasyon na nalulugmok na sa epekto ng walang puknat na oil price increase.
Ayon kay Gatchalian, chairman ng senate Committee on Energy, maraming PUV drivers na ang tumitigil sa pamamasada at nawalan ng hanapbuhay at ilan sa mga solusyon ang mabilis na pamimigay ng ayuda.
Nais ng senador Gatchalian na ipamahagi na ang ikatlong bahagi ng Pantawid Pasada program na nagkakahalaga ng 3,000 pesos kada buwan para sa susunod na limang buwan.
Ang unang yugto ng fuel subsidy para sa mga driver at operator ng Public Utility Vehicles na dapat sana ay natapos nang ipamigay noong ikalawang linggo ng Mayo ay naantala dahil sa kakulangan ng database ng mga benepisyaryo.—mula sa ula ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)