Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang miyembro ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na tiyaking maipamamahagi sa lahat ang mga bakunang manggagaling sa kanilang bansa.
Ayon sa Pangulo, layon nitong tuluyan nang masupil ang patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo na siyang nagpapahirap sa lahat ng tao.
Giit ng Pangulo, kinakailangang magkaisa ang mga bansa sa paglaban sa COVID-19 dahil ang kabiguan ng isa ay maaaring maging kabiguan ng lahat.
Una rito, pinapurihan ng Pangulo ang bansang Malaysia sa pagtatatag nito ng online portal upang ibahagi ang kanilang mga epektibong hakbang sa paglaban sa virus.