Alam n’yo ba na maaagapan ang pagtama ng sipon at maaari ring mapadali ang pagkawala nito?
Ayon sa mga eksperto, ito’y sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga pagkaing sagana sa Vitamin C.
Kabilang sa mga gulay na mayaman sa Vitamin C ay ang singkamas, malunggay, siling pula, dahon ng gabi, siling berde, cauliflower, siling labuyo, repolyo, bayabas, mangga at papaya.
Maliban dito, malaki rin ang maitutulong ng pag-inom ng calamansi juice, pineapple juice at iba fruit juices upang labanan ang paglubha ng sipon.