Para sa mga bumibigat na ang timbang at naghahanap ng mabilis na paraan para pumayat;
Narito ang payo para sa inyo.
- Mag-bawas ng matamis at pagkaing mayaman sa carbohydrates tulad ng; kanin, tinapay, noodles, kakanin, spaghetti, soft drinks, iced tea, cakes at icing.
- Kumain ng mas maraming protina – ang protina ay makukuha sa manok, isda, karneng baka at baboy. Puwede ring kumain ng isa hanggang dalawang itlog kada araw.
- Kumain ng mas maraming gulay na may mababang carbs tulad ng; broccoli, cauliflower, kamatis, kale, letsugas at pipino.
- Mag-ehersisyo rin ng tatlo hanggang apat na beses kada linggo. puwede ring mag-gym at mag-weights at magtimbang ng tatlong beses sa isang linggo. — sa panulat ni Abby Malanday