Ipinag-utos na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Philippine Embassy sa Tokyo na simulan na ang mabilis na repatriation sa mga Filipinong sakay ng Diamond Princess cruise ship.
Ayon kay Locsin, obligasyon ng pamahalaan na kalingain ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) nasaan man sila sa mundo kaya marapat lamang na mapauwi agad sila sa bansa.
Ayon sa DOH ang mga uuwing Pilipino ay muling sasailalim sa 14-day quarantine pagdating dito sa Pilipinas.
41 mula sa 500 mga Filipino sa naturang cruise ship ang nag positibo sa COVID-19.
Habang sa kabuuan, mahigit sa 500 mga pasahero at mga tripulante ng naturang cruise ship ang tinamaan ng nasabing sakit.