Tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs ang mabilis na tulong para sa mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong guidelines sa paggamit ng isang bilyong Pisong pondo.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano mas mabilis na matutugunan na ang mga pangangailangan ng mga OFW ngayong mas malaki na ang pondo.
Nais din aniya ni Pangulong Duterte na suklian ang mga sakripisyong ginagawa ng mga Pinoy na nagta trabaho sa ibang bansa para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Dagdag pa ni Cayetano layon din matugunan ng bagong guidelines ang patuloy na lumalaking bilang ng mga “distressed OFW’s”.