Mabilis at maayos na vaccination roll-out ang susi para agad na makabangon ang ating ekonomiya at huwag tayong mapag-iwanan sa Asya.
Reaksyon ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pananaw ng think tank na Moody’s Analytics na Pilipinas ang kulelat sa Asya pagdating sa pagrecover ng ekonomiya matapos tumama ang pandemya.
Bagamat si Recto ang may akda ng Bayanihan 3 sa senado, pero ang problema anya ay walang absorptive capacity ang pamahalaan, o walang kakayanan na agad ipatupad ang mga programa at proyekto na pinaglaanan ng pondo sa Bayanihan 1 and 2 at sa General Appropriations Act.
Hindi masabi ni Recto kung makatutulong ang pagpapasa ng Bayanihan 3 para mabilis na makabangon ang ating ekonomiya.
Sinabi pa ni Recto na walang karagdagang revenue para pagkunan ng ilalaang pondo sa Bayanihan 3.
Iginiit naman ni Senador Sonny Angara na dapat gawin ng pamahaan ang lahat ng paraan para mas mapabilis ang pagbabakuna lalo’t pat milyun-milyong bakuna ang inaasahang darating sa susunod na buwan oras anya tumaas ang vaccination rate, babalik ang kumpiyansa sa ating ekonomiya.
Pagdating sa Bayanihan 3, sinabi ni Angara na makatutulong ito sa ilang sektor oras na maaprubahan pero hindi pa nya nakapagsasagawa ng pagdinig ang senado sa panukalang batas na ito.
Maging si Senadora Imee Marcos ay naniniwalang mabagal na vaccination ang rason bakit kulelat ang ating bansa sa Asya pagdating sa pagbangong ng ekonomiya.
Apat na porsyento pa lang anya ang nababakunahan kaya di talaga makakapagbukas pa ang ating ekonomiya. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)