Naniniwala si Dr. Nina Gloriani, pinuno ng vaccine expert panel na epektibo pa rin ang mga kasalukuyang bakuna laban sa BQ.1 Subvariant ng OMICRON.
Sa laging handa briefing, ipinaliwanag ni Gloriani na malinaw namang tumaas ang proteksyon ng mga taong nabakunahan laban sa COVID-19 lalo na nuong nabigyan sila ng booster shot.
Ang mga bakunang ito aniya ay napatunayang nakapagbigay ng sapat na proteksyon kaya napigilan ang matinding pagsirit ng kaso hanggang napababa nuong kasagsagan ng OMICRON.
Ani Gloriani, patuloy nilang hinihikayat ang publiko na magpabakuna o magpa booster shot lalo na may BQ.1 o mas mabilis na makahawa.