Uumpisahan na ng PNP-Highway Patrol Group sa unang araw ng Nobyembre ang paglilinis sa 17 Mabuhay Lanes o alternate routes sa Metro Manila upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa Edsa.
Ayon kay PNP-HPG Spokesperson, Supt. Grace Tamayo, hahatakin nila ang mga sasakyang iligal na nagpa-park at ipagbabawal ang mga terminal ng jeep sa mga alternatibong kalsada.
Pinayuhan naman ni Tamayo ang mga car owner na ginagawang parking area ang tapat ng kanilang bahay na humanap na ng tamang paradahan nang hindi makalilikha ng abala.
Kabilang sa mga lugar na tatanggalan ng obstruction ay ang Carriedo sa Maynila, Divisoria, Moriones at Dagupan Streets sa Tondo Maynila;
Greenhills sa San Juan at Baclaran sa boundary ng Pasay at Parañaque cities.
By Drew Nacino | Jonathan Andal