Naniniwala si Atty. Romy Macalintal na makatao ang paraan na gagamitin ni Vice President Leni Robredo sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Ayon sa election lawyer ng Bise Presidente, suportado niya ang ginawang pagtanggap nito bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Aniya, hindi biro ang posisyon ni Robredo dahil isa ang ilegal na droga sa mga pangunahing problema ng bansa.
Umaasa si Macalintal na sa pagkakatalaga ni Robredo bilang drug czar ay magkakaroon ng pagkakataon na magkasunod na sila ni Pangulong Rodrigo Duterte. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)