Umapela si senior citizen advocate Atty. Romulo Macalintal sa Department of Health (DOH) na maglabas ng kautusan para kilalanin na ng mga botika ang “virtual” reseta sa gitna ng umiiral na lockdown.
Ayon kay Macalintal, marami ngayon ang nagpapakonsulta sa kanilang mga doktor sa pamamagitan na lamang ng tawag, text o chat upang maiwasan ang paglabas ng bahay.
Kaya naman aniya marami rin ang nagbibigay na lamang ng online prescription o reseta para sa kanilang mga pasyente.
May ilan aniyang drug store na kinikilala ang mga virtual reseta ngunit mayroon din umanong ilan na hindi ito tinatanggap.
Kasabay nito, nanawagan si Macalintal na i-extend ang bisa ng mga reseta ng mga matatanda lalo na kung hindi naman aniya kung hindi buwanan ang check-up ng mga ito.