Macau, pinaigting ang pagbabawal sa mga non-resident na makapasok sa bansa.
Pagbabawalan munang pumasok ng Macau ang lahat ng mga turistang manggagaling sa China, Hong Kong at Taiwan na may travel history sa ibang bansa.
Ito ang naging pahayag ni Ho Lat Seng, Chief Executive ng Macau Special Administrative Region sa isang pulong balitaan para aniya mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Dagdag pa nito, ang mga may travel history naman sa bansang Hong Kong at Taiwan 14 na araw bago pumasok ng Macau ay kinakailangang sumailalim sa 14-day self-quarantine sa itinalagang medical facilities ng mga awtoridad.
Ayon sa datos ng National Health Commission ng Macau, nasa 25 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang may 10 na ang nakarekober dito.
Samantala, nauna nang pinagbawal ng Macau ang lahat ng non-resident work permit holders na makapasok ng bansa.
Sa panulat ni Ace Cruz.