Nagpahayag ng suporta ang Business man na si Macky Mathay at actress na si Teresa Loyzaga sa family reunion nina Cesar Montano at Sunshine Cruz kasama ang kanilang mga anak.
Ang naganap na reunion ay sa gitna ng 18th birthday ng kanilang anak na si Sam Cruz kung saan, imbitado din ang isa pang anak ni Cesar kay Teresa na si Diego Loyzaga.
Sa comment ni Teresa sa IG post ni Sunshine, masaya niyang sinabi na walang salitang makapagpapaliwanag at walang imposible sa biyayang ibinibigay ng panginoon para kay Sam.
Sa naging post naman ni Macky na bagong karelasyon ngayon ni Sunshine, sinabi nito na ang lahat nang nangyayari ay may dahilan at ipinaplano ng panginoon.
Samantala, sa naging pahayag ni Sam, masaya siya na naging daan ang kaniyang birthday para muling magkita ang kanyang mga magulang matapos ang matagal na panahon kung saan, unti-unti nang naaayos ang relasyon nilang magkakapatid sa kanilang ama na si Cesar.