Tatanggap na ng 1,000 unvaccinated foreign travelers ang Mactan Cebu International Airport simula Marso a-1.
Ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, batay sa sinabi ni Mactan Cebu International Airport Authority Manager Julius Neri, ito ay para hindi agad mapuno ang mga quarantine hotels sa lungsod.
Una nang nagpalabas ng kautusan ang Cebu City Government nitong Pebrero a-nuwebe, kung saan papayagang makapasok ang hindi pa nababakunahang dayuhan basta magpapakita ng negatibong rt-pcr test.
Susundan pa ito ng swab test pagdating sa quarantine facility at magka-quarantine hanggang lumabas ang result. —sa panulat ni Abby Malanday