Hindi mahalaga para kay Senador Francis Escudero ang madalang na pagpapakita sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Senador, hindi naman naka-bundy clock ang Pangulo kaya’t hindi ito obligado na magreport araw-araw sa Palasyo basta’t ginagampanan nito ang kaniyang tungkilin sa bayan.
Ginawa ng Senador ang pahayag makaraang sabihin nito na hindi siya madalas magpapakita sa publiko hangga’t hindi natatapos ang kasalukuyang gulo sa Marawi City.
Dagdag pa ni Escudero, dapat masanay na rin aniya ang publiko sa kakaibang personalidad ng Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Madalang na pagpapakita sa pubkliko ni Pres. Duterte ok lang ayon kay Sen. Escudero was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882