Para sa mga mahilig uminom ng softdrinks…
Alam niyo ba na ang madalas na pag-inom ng soda o softdrinks ay nakakasama sa kalusugan ng isang tao?
Ito ang kinumpirma ng mga public health expert kung saan, napag-alaman na ang softdrinks ay tinaguriang “dead water” dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan na posibleng magresulta ng iba’t-ibang sakit.
Ang softdrinks kasi ay nagtataglay ng phosphoric acid na siyang pumapatay sa calcium, magnesium at mga nutrients na nakukuha ng tao sa mga masusustansyang pagkain na nakakatulong sa paglaban at pagpapalakas ng ating immune system.
Nabatid na ang iba’t-ibang klase ng softdrinks o matatamis na juices at iba pang refreshing drinks ay mayroong sugar component na kapag ikaw ay nasobrahan ay maaring magresulta sa diabetes.
Bukod pa dito, mataas din ang fructose corn syrup nito kaya nakakasira ito ng tissues sa ating katawan.
Posible ding maging obese at magkaroon ng cavities o pagkabulok ng ngipin na nagreresulta ng reproductive cancer.
Kaya’t hinay-hinay lang at huwag sanayin ang katawan sa pag-inom ng softdrinks lalo na sa mga taong hindi makakain kung hindi nakakainom nito.
Mainam parin ang pag-inom ng 8 hanggang 12 basong tubig kada araw para sa mas ligtas ang ating kalusugan. — Sa panulat ni Angelica Doctolero