Natural na sa ating mga pinoy ang makadama ng pamamahid ng kamay at paa lalo na kung ito ay matagal na nanatili sa isang posisyon kabilang na ang pagtulog, pag-upo maging ang matagal na pagtayo.
Ayon sa mga eksperto, kung matagal nang nakakaranas ng pamamanhid ay mainam na magpakunsulta na sa doktor dahil posibleng senyales na ito ng seryosong sakit.
Kabilang sa posibleng maging sanhi nito ay ang:
- diabetes
- kidney disease
- urinary tract infection o uti
- migraine
- stroke
- under active thyroid
- brain aneurysm
- brain tumor at tumor sa iba pang parte ng katawan
- at leprosy
Mayroon namang paraan upang maiwasan ang ganitong sintomas, kabilang na dito ang:
- pag iwas sa pag-inom ng alak dahil taglay nito ang ibat-ibang uri ng kemikal na nakakasira sa ating mga ugat.
- mag-ehersisyo upang maging maayos ang sirkulasyon ng ating mga dugo.
- uminom ng green and leafy vegetable juices dahil taglay nito ang ibat ibang klase ng bitamina.
- ibabad ng 15-20 mins. ang paa sa maligamgam na tubig na may asin. —sa panulat ni Angelica Doctolero