Karamihan sa mga kontratang pinasok ng Department of National Defense (DND) ay hindi dumaan sa competitive bidding.
Ayon ito kay Senador Teofisto Guingona III sa pagbubukas ng ika-apat na pagdinig hinggil sa umano’y maanomalyang pagbili ng chopper, armas at iba pang military equipment ng DND.
Sinabi ni Guingona na noong 2013, 650 kontrata lamang ang sumailalim sa competitive bidding mula sa 35,000 kontrata.
Taong 2014 naman, 420 kontrata mula sa 32,000 kontrata ang dumaan sa competitive bidding.
Binigyang diin ni Guingona na dapat mabusisi para maitama ang mga nangyayari.
Samantala, nasa pangangalaga na ng (WPP) Witness Protection Program si Rhodora Alvarez.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)