Pinutol ng isang madre sa South Cotabato ang kanyang daliri kasabay ng paggunita sa ikatlong dekada ng EDSA People Power Revolution kahapon.
Ayon kay Sister Leah Cabullo, ito’y bilang protesta sa aniya’y kawalan ng katarungan para sa tribung B’laan sa Polomolok South Cotabato.
Bago pa man aniya ang ikalawang digmaang pandaigdig noong 1941, nakaranas na ng kawalang hustisya ang mga katutubo sa Sitio Kuemang Barangay Palkan dahil inagaw sa kanila ang 18 ektaryang lupain ng pamilya Española.
Tahasang niyurakan din ng pamilya ang pagkatao ng mga katutubo dahil sa ipinahukay pa nito ang libingan ng mga ninuno ng tribu.
Maka-ilang beses na aniya silang lumapit sa National Commission for Indigenous People at DSWD maging sa lokal na pamahalaan para idulog ang problema ngunit wala silang nakuhang aksyon mula sa mga ito.
By Jaymark Dagala