Nagsagawa ng protesta ang mga madre at staff ng St. Scholastica’s College sa Maynila kasabay ng paggunita ng ika-49 na anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Gamit ang maliliit na bell at iba pang pampaingay ay nanawagan ang mga madre at mga personnel na itigil na ang korapsiyon sa bansa.
Bukod pa dito, dala-dala din nila ang mga placard na may nakasulat na “tumindig laban sa tiranya,” at “no more Duterte-Marcos in 2022.”
Patunay lamang ito na hindi nagugustustuhan ng publiko ang serbisyong ginagawa ng administrasyong Duterte.
Ayon sa ilang mga madre, bukod sa pagnanakaw ng pondo ay hindi din maayos ang pagtugon ng gobyerno sa gitna ng pandemiya.
Umaasa ang mga madre at tauhan ng eskwelahan na masusolusyunan at matututukan ang problema sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, pagdami ng mga nagkakasakit at kakulangan ng pondo pagdating sa pamamahagi ng ayuda.—sa panulat ni Angelica Doctolero