Tinatayang aabot sa mahigit 7,000 pulis ang ipakakalat ngayon sa buong lungsod ng Madrid sa bansang Spain.
Ito’y makaraang isailalim sa 15 araw na state of emergency ang lungsod dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa lugar.
Nakasaad sa nasabing panuntunan na bawal pumasok at lumabas ang mga residente ng Madrid gayundin sa siyam na lungsod sa nasabing bansa.
Gayunman, papayagang mag-operate ang mga hotel at restaurant sa Madrid subalit hanggang 50% kapasidad lamang at hanggang alas 11 lamang ng gabi maaaring magbukas.
Sa kasalukuyan, mahigit apat na milyon na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa mga lungsod ng Madrid, Fuenlabrada, Getafe at Leganes.