Iniimbestigahan na ng PNP o Philippine National Police ang insidente ng pagkakapaslang sa isang inaarestong frustrated murder suspect, buntis na kinakasama nito at 5-buwang gulang nilang anak sa isang police operation sa Lanao del Norte.
Ayon kay PNP Internal Affairs Service Chief Inspector General Alfegar Triambulo, isinailalim na sa restrictive custody ang 8 pulis na sangkot sa madugong operasyon habang isinasagawa na ng IAS-ARMM ang imbestigasyon sa insidente.
Matatandang kasamang nasawi ng suspect na si Bevino Laride ang kanyang live in partner na si Virginia Delibo at 5-buwang gulang nilang anak matapos na silbihan ng warrant of arrest ang suspek noong madaling araw ng Lunes.
Batay sa isinumiteng report ni acting Lanao del Norte Police Provincial Director Senior Supt. Leopoldo Cabanag, pinaputakan ni Laride gamit ang isang M2 rifle ang SWAT team na magsisilbi ng warrant of arrest laban dito.
Gumanti lamang aniya ang mga pulis dahilan ng pagkakasawi ng tatlong biktima habang isang SWAT member naman ang naulat na nasugatan sa engkwentro.
—-