Tinukoy ng isang dating opisyal ng PhilHealth ang mga miyembro ng tinawag nitong ‘mafia’ sa ahensiya.
Sa isinagawang pagdinig ng senate blue ribbon committee sa mga anomalyang kinasasangkutan ng PhilHealth, sinabi ni PhilHealth Board Member Roberto Salvador ang grupo ay mayroong malaking impluwensiya sa operasyon ng PhilHealth.
Kinilala ni Salvador ang mga miyembro ng umano’y ‘mafia’ sa ahensiya na sina PhilHealth Vice President Paolo Johan Perez ng region 4B, Khaliquzzaman Macabato ng ARMM, William Chavez ng region 7, Dennis Andre ng region 11 at Masidling Alonto Jr. ng region 10.
Gayundin sina PhilHealth Assistant Corporate Secretary Valerie Anne Hollero, PhilHealth Caraga Legal Officer Jelbert Galicto at dating region 12 Vice President Miriam Grace Pamong ay miyembro din ng grupo.
Nilinaw ni Salvador na hindi niya inaakusahan ng criminal activities ang grupo kundi ang matinding impluwensiya nito at pagbabanta pa mismo sa kasalukuyang administrasyon ng PhilHealth.