Lumabas sa pag-aaral ng University of the Philippine College of Mass Communication Foundation at Department Of Science and Technology Science Education Institute na mababaw ang pagkakaintindi ng mga mag-aaral mula grade 3 hanggang grade 6 sa subject na Science.
Iyan ay sa kabila na mahilig naman sa naturang asignatura ang mga mag-aaral at lagpas sa kalahati sa kanila ang nagsabing kapaki-pakinabang ang siyensiya sa buhay.
Ayon kay doktor Lourdes Portus ng Philippine Social Science Council ng UP masscom, ang paggamit ng English language sa pagtuturo ng Science ang dahilan dahil kinakailangan pa raw na matutuhan ang nasabing lenggwahe habang inaaral rin ang nasabing asignatura.
Ginawa ang nasabing pag-aaral sa 1,200 estudyante ng public at private school sa bansa.—sa panulat ni Rex Espiritu