Itinutulak ni 3rd District Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado ang House Bill (HB) 6535 na layong ituro sa mga mag-aaral sa elementarya ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga gulay at puno.
Ayon kay Bordado ito ay para isulong ang agrikultura sa bansa.
Iginiit din ni Bordado na dapat mapagtanto ng mga kabataang mag-aaral ang potensyal ng Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa lalo pa at ang Pilipinas ay isang bansang may malawak na lupain.
Samantala, nakahanda an ang mandato ng Department of Agriculture (DA) na magtakda ng klase sa agrikultura sa lahat ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sakaling mapagtibay bilang batas ang HB 6535.