Inaresto ng mga otoridad ang isang doktor kasama ang kaniyang anak matapos magpuslit ng COVID-19 treatment.
Kinilala ng National Bureau of Investigation ang mga suspek na sina Dr. Nelson T. Ong at Raisa Nicole C. Ong na nakuhanan ng sampung pirasong Tocilizumab vials at 25 kahon ng Baricitinib tablet.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, napag-alamang mula pa sa bansang India ang naturang mga gamot na wala umanon local importer o distributor pero nakapangalan umano sa isang nagngangalang si Raisa Ong.
Agad namang inaresto ang mag-ama matapos mabigong hindi magpakita ng mga dokumento o lisensya sa naturang mga gamot. —sa panulat ni Angelica Doctolero