Patay ang mag-ama at tatlong (3) iba pa sa sunod-sunod na pamamaril sa Malanday, Marikina, kagabi.
Naganap ang unang pamamaril, alas-7:15 ng gabi sa panulukan ng Kabayani Road at Mississippi Street, kung saan pinatumba si Gerald Taduan.
Sunod namang binaril si Noel Dumate sa panulukan ng Kabayani at Green Street; at sa kanto ng Kingfisher at Owl naman binaril ang mag-amang sina Regidor Dumasig Sr. at anak na si Regidor.
Sa Kabayani Road din binaril, dakong alas-7:30 ang huling biktima na si Ernesto Ambos.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga namaril at ang posibleng motibo nito.
By Katrina Valle