Nasawi ang mag-ama matapos na makuryente sa sakahan sa bayan ng Bani, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na sina Joey Ortaleza, 56 anyos at anak na si Mark Ortaleza, 21 anyos.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang mag-ama sa kanilang sakahan nang biglang maapakan ng anak ang kable ng kanilang pumping station na ginagamit nila sa pagpapatubig.
Nataranta ang ama ni Mark nang makita niya ang anak na nangingisay kaya agad niya itong hinawakan para tulungan subalit maging siya ay nakuryente.
Samantala, idineklarang binawian ng buhay ang mga biktima nang isugod sa ospital.—sa panulat ni Airiam Sancho