Patay ang isang 36-anyos na lalaki at ang kanyang isang taong gulang na anak na babae sa aksidente sa tricycle sa Nueva Ecija.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Mark Anthony Rosario at ang kanyang bunsong anak na si Abegail.
Salaysay ng pamilya sa awtoridad, isang metal na bahagi ng sasakyan ang natanggal sa sidecar, dahilan para mawalan ng kontrol ang tricycle at bumangga sa puno ng mahogany.
Nasugatan din sa aksidente ang asawa ni rosario at dalawa pang anak.
Nahulog ang bata sa sasakyan dahil sa impact.
Nabatid na madalas bumiyahe ang pamilya sa Nueva Ecija para sa kanilang negosyong paggawa ng kubo ng kawayan.