Nasawi ang isang mag-ama sa bayan ng Tubod sa Lanao del Norte dahil sa baha na dulot ng matinding pag-ulan.
Ayon kay Vicmar Paloma, Officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), sakay ng pedicab ang 44 anyos na tatay kasama ang anim na taong gulang nitong anak at tatlo pang miyembro ng pamilya, nang dumaan sa tulay sakay ng pedicab.
Hindi umano batid ng mga ito na sira na ang tatawirang tulay dahil sa pag-apaw ng baha.
Sa ngayon, pumalo na sa 1,762 pamilya ang apektado ng baha sa lugar.
Una rito, isang walong taong gulang na batang babae na ang namatay sa bayan ng Baroy matapos maanod ang motor na sinasakyan nila ng kanyang kamag-anak.