Sinalubong ng aksidente ang unang biyahe ng PNR o Philippine National Railways mula Naga City sa Camarines Sur patungong Legazpi sa Albay.
Sugatan ang mag-amang biktima nang mahagip ng tren ang sinasakyan nilang tricycle sa bahagi ng Barangay Tuburan sa lungsod ng Ligao.
Agad namang naisugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng galos sa kanilang katawan at kasalukuyang nilalapatan ng lunas.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.
By Jaymark Dagala