Nakakita ng probable cause ang Office of the Ombudsman upang sampahan ng kasong graft ang mag-amang sina Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay.
Kaugnay ito sa overpriced umanong Makati City Hall Parking Building matapos aprubahan ng Pangalawang Pangulo na noo’y alkalde pa lamang ng lungsod ang ilang payment para sa naturang proyekto.
Ito ang inihayag ng Ombudsman ilang oras matapos maghain ng certificate of candidacy si Binay para sa pagka-Pangulo kasama ang kanyang running mate na si Senator Gringo Honasan, kaninang umaga.
Bukod sa mag-amang Binay, 22 iba pang kasalukuyan at dating opisyal ng Makati ang sasampahan ng kasong graft.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7)