Pinauuna ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte kung paano pabababain ang mga naitatalang kaso at tulungan ang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang hamon ni Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist Representative France Castro sa halip na atupagin nito ang halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Castro, tila hindi na alam ng administrasyon ang uunahin nito sa pagtugon sa pandemya dahil mas inuuna pa nito ang pamumulitika at pag-initan ang kanilang mga kritiko.
Giit pa nito na mula nang pumutok ang pandemiya noong isang taon, hindi na naawat ang pagsirit ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 hanggang sa umusbong na ang iba’t ibang variant sa bansa kaya’t lumobo sa mahigit 20,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19.