Arestado ang dalawang katao sa isinagawang Buy-Bust Operation sa Zambales.
Kinilala ang mga suspek na sina Ronaldo Dayrit at partner nitong si Joan Balaque.
Nakuha mula sa mga suspek ang walong plastic sachet na naglalaman ng shabu na may bigat na 0.8 gramo na nagkakahalaga ng P8K.
Nakakulong ang mag-asawang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Kim Gomez