Arestado ang mag-asawa sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Dinalupihan Municipal Police Station sa Barangay Sapang Balas, Dinalupihan, Bataan.
Kinilala ang mag-asawa na sina Diosdado Cortez Romero, 54-anyos, at Fatimah Quimada Abella na nakuhanan ng 4 na maliit na pakete ng shabu, marked money na ginamit sa buy-bust at isang cal.38 na baril kasama ng mga bala nito na nakalagay sa isang bag.
Aminado ang mag-asawang suspek na gumagamit sila ng iligal na droga at inaangkat pa raw umano nila ito mula sa Caloocan City.
Ayon sa mga otoridad, matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa iligal na gawain ng mag-asawa ay agad silang nagsagawa ng surveillance.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa pinaigting na Dangerous Drugs Law at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang mag-asawang suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero