Arestado sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) – Anti-Organized and Transnational Crimes Division ang lalaking utak umano ng isang investment scam.
Matapos tanggapin ang sobre, agad inaresto ng NBI ang suspek na kinilalang si Edgardo Lacson maging ang misis nitong si Abegail.
Ayon sa NBI, hinikayat ni Lacson ang kaniyang mga ka-opisina na mag-invest sa government-issued bonds kung saan kikita umano sila ng hanggang 15 percent kada buwan.
Nasa 30 na ang mga nagreklamo laban sa suspek na karamiha’y mga accountant at auditor.
Tinatayang P100 million ang ininvest ng mga biktima kay Lacson na kasalukuyan nang nakakulong kasama ang asawa at nahaharap sa kasong estafa.