Patay ang isang karpentero at kanyang asawa matapos silang pasukin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa kanilang bahay sa Sorsogon.
Kinilala ang mga biktima na sina Rodolfo Gaban at kanyang misis na si Gloria Gaban.
Ayon kay Sorsogon Police Chief Major Christine Llorin, ilang ulit na binaril si Rodolfo sa ulo, habang si Gloria naman ay binaril din kahit pa nagmakaawa na ito sa mga suspek.
Nabatid na nasa pinangyarihan ng krimen ang apat na anak ng mga biktima, na hindi pinansin ng mga suspek.
Samantala, inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaril.