Posibleng away sa pamilya o rido ang tinitignan ng pulisya sa pananambang sa isang mag-asawa sa Zamboanga City
Kinilala ng awtoridad ang mag-asawang nasawi na sina Hamid Tumambid at asawa nitong si fatIma, kapwa 36-anyos.
Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng kanilang motorsiklo si Hamid kasama ang kanyang asawa nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki.
Dead-on-the-spot ang mag-asawa sa mga tama ng bala ng baril.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng hindi pa batid na baril.
Nagsasagawa na ang mga pulis ng man-hunt operation para sa ikadarakip ng mga tumakas na salarin.