Patay at pugot na ang ulo nang matagpuan ang isang mag-asawa sa Sumisip sa Basilan.
Kinilala ang mga biktima na sina Abdurahim Kituh at Nadzwa Bahitla, na pinaniniwalaang pinagbabaril muna bago pinugutan ng ulo.
Ayon sa mga otoridad, dakong 4:30 ng hapon ng Biyernes, Enero 5, nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril sa lugar.
Samantala, bago pa nangyari ang insidente, napag-alamang nasa lugar ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG at hinaharang ang mga dinadaanan ng mga sibilyan.
Napag-alaman ng mga otridad na half-brother umano ng lalaking biktima ang nanguna sa pamumugot na kinilalang si Nahim Mustalim.
Si Mustalim ay kasapi sa grupo ni Usop Sandalan na sub-leader ni ASG-Leader Rhadzmil Janatil na nakabase sa Basilan.