Sa dami ng mga nauusong gimmicks ng mga expecting parents sa social media para mag-gender reveal, ang mag-asawa na ito pinili ang napakasimple pero saksakan ng witty na paraan para alamin ang gender ng kanilang baby.
Kung paano nila ito ginawa? Eto.
Para sa mga magulang, lalo na sa first time parents, mahalagang event sa kanilang buhay na malaman kung ano nga ba ang magiging gender ng kanilang baby.
Kung kaya naman kahit na nagtitipid, gumawa ng paraan ang content creator mula sa Binmaley, Pangasinan na si Banong delos Angeles para i-celebrate ang gender reveal ng kanilang unang anak ng kaniyang misis.
Sa isang pahayag, sinabi ni Banong na para hindi sila masyadong mapagastos, naisip niya na isabay ang gender reveal party sa kanilang new year’s celebration.
Ang noo’y expecting dad, inilabas ang kaniyang creativity at wit para sa kanilang first baby.
Kung saan ginawa ang gender reveal party? Sa kanilang bahay, partikular na sa CR. Kung bakit? Iyon ay dahil hindi pinata o confetti poppers ang main tool ni Banong para i-reveal ang kasarian ng kanilang anak, kundi toilet flush!
Para gawin pang mas special ang main event, nilagyan nila ng pink at blue na lobo ang banyo at metallic curtains.
Sinabi rin ni Banong na gumamit daw siya ng ink ng printer para kumulay ang tubig kapag pinindot na ang flush.
Ang resulta? Kulay asul ang tubig na inilabas ng toilet bowl, kung kaya naman pinlano ni banong na isunod ang pangalan ng kanilang anak sa tunay niyang pangalan na Urbano at tatawagin itong Sixto dahil ito na ang pang-anim na Urbano sa kanilang pamilya.
Simple man ang naging selebrasyon, suportado naman ito ng kaniyang asawa at ng kanilang pamilya, at paniguradong isa ito sa mga hindi malilimutang milestone sa buhay nila ng kaniyang misis lalo na at malayo ito sa ordinaryo.
Ikaw, kaya mo bang tapatan ang napaka unique na gender reveal gimmik na ito?