Gagamitin rin ng korte sa Lebanon ang mga ebidensyang hawak ng mga awtoridad ng Kuwait na may kaugnayan sa kaso ng pagkamatay ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis.
Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro de Villa Jr. , naipadala na sa Lebanon ang mga ebidensya sa “crime scene” , resulta ng autopsy sa labi ni Demafelis at mga resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Kuwaiti Police.
Ito aniya ang mga dokumento na pinagbatayan ng Kuwaiti Criminal Court para hatulan ng kamatayan ang mag-asawang suspek na amo ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.
Paliwanag ni De Villa, bagama’t nahatulan na ng parusang bitay ang mga suspek ay magsasagawa pa rin ng sariling paglilitis ang Lebanon.
—-