Ipina-aaresto muli ng Manila Regional Trial Court Branch 32 ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, kapwa consultant ng National Democratic Front of the Philippines.
Ito’y kasundo ng mosyon ng Department of Justice at Office of the Solicitor General para sa muling pagdakip sa mga akusado.
Sa limang pahinang kautusan ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ng RTC Branch 32, bukod sa mag-asawang Tiamzon, ipina-aaresto rin si Adelberto Silva.
Ang tatlo ay nahaharap sa 15 counts ng kasong murder dahil sa natuklasang mass grave sa Leyte noong 2006.
Kinansela rin ng Korte ang tig-isandaan libong Pisong cash bond na inilagak ng tatlo para sa kanilang pansamantalang paglaya.
Matatandaan na noong 2016, pansamantalang nakalaya ang tatlo para magkaroon ng partisipasyon sa negosasyon sa pagitan ng GRP Peace Panel at NDF-CPP-NPA.