Problema sa usapin ng negosyo ang isa sa tinitignang motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang Australian at isang Pilipina sa loob ng kanilang sinasakyang kotse sa Olongapo City.
Ayon kay Olongapo Police Chief Police Colonel Benjamin Sembrano, sinabi ng naarestong suspek na si Michael Mclaren, na bumili umano siya ng isang hotel at restaurant sa mga biktimang sina Anthony George Wilson at Mila Bailey.
Gayunman, nang kuwestiyunin ng pulisya ang suspek at hingan ng dokumento kaugnay ng binili umanong negosyo, wala na itong maipakitang pruweba.
Batay sa imbestigasyon, magkakasama sa iisang sasakyan ang suspek na si Mclaren at mga biktima na sina Wilson at Bailey nang mangyari ang pamamaril.
Nasugatan naman ang isa pang sakay ng kotse at asawa ni Mila na si Wayne Bailey na kasulukuyan pa ring ginagamot sa ospital.